Nasawi sa pagkalunod ang isang 36-anyos na lalaking lasing, sa isang resort sa Brgy. Buenlag, sa bayan ng Binmaley, Pangasinan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakilala ang biktima na si Jeffter Abalos, residente ng Brgy. Nagsaing, Calasiao.

-- Advertising --

Dumalo umano ito sa isang birthday celebration sa nabanggit na resort nang magkaroon ng inuman at nagpasya itong lumangoy sa poolside.

Bandang hating-gabi ng araw ng Sabado, August 21, ngayong taon nang hanapin ito ng kaniyang anak at 4:45 na ng hapon ng Linggo, August 22 nang makita ang katawan ng biktima sa ilalim ng tubig sa poolside.

Kumbinsido naman ang mga kaanak nito na walang anumang uri ng foul play ang naganap sa insidente.