DAGUPAN, CITY—- Napatawan na nang kasong homicide ang 26 anyos na lalaking nanaksak sa sarili niyang nakatatandang kapatid nang dahil sa pangangantyaw sa isang online game sa barangay Puelay sa bayan ng Villasis.

Ayon kay PMaj. Christian Alucod, ang OIC ng Villiasis PNP, dahil birthday ng kanilang ama ay naginuman ang suspek na si Johnny Verzola, Jr at biktima na si Michael Verzola 34-anyos na dating OFW kasama ang kanilang tito.

-- Advertising --

Matapos naman ng inuman at nang umalis ang kanilang tito ay kinantiyawan ng biktima ang panganay na anak nang suspek dahil sa isang online game kung saan nag-umpisa ang alitan.

Sinabi pa nang suspek na huwag kantiyawan ang anak nito dahil ito ay bata lamang na siya namang ikinainit ng ulo ng biktima kaya’t nanghamon ito ng away at binato ang kwarto ng suspek.

Dito na nga napuno ang suspek kayat lumabas ito at pinagsasaksak ang kaniyang nakatatandang kapatid gamit ang maliit na kutsilyo.

Bilang resulta nagtamo ng walong stab wounds sa ibat ibang parte ng katawan ang biktima na agaran namang ikinamatay nito.

Tinig ni PMaj. Christian Alucod, ang OIC ng Villiasis PNP

Kasalukuyan namang nasa kostudiya na nang nabanggit na himpilan ang suspek at nafilan na ng kasong homicide kung saan nagsilbing witness sa pangyayare ang kanilang kapatid na babae at ang nagsilbing complainant naman ay ang kanilang sariling ama. (with reports from: Bombo Adrianne Suarez)