DAGUPAN, CITY— Nagtamo ng 30 stab wounds ang isang 22-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng kaniyang sariling live-in partner sa Brgy. Nancamaliran West sa lungsod ng Urdaneta.

Ayon kay PLt. Vicente Castor Jr., hepe ng Urdaneta PNP, base sa imbestigasyon ang pinagmulan ng pananaksak ng suspek na si Rodolfo Jimenez sa biktima na kinilala bilang si Elka Marie Cambay sa kanilang bahay ay dahil sa matinding selos ng suspek sa kasamahan sa trabaho ng biktima.

-- Advertising --

Bagama’t sugatan ay agaran namang naitakbo sa ospital ang biktima ng kaniyang mga kamag-anak at kapitbahay kaya’t ito ay naka-survive at nakauwi na sa kanilang tahanan.

Tinig ni PLt. Vicente Castor Jr., hepe ng Urdaneta PNP

Samantala, ang suspek ay agarang tumakas matapos ng insidente at patuloy na hinahanap ng kapulisan. Sa crime scene naman ay natagpuan ng kapulisan ang kitchen knife na may tinatayang 14 inches ang haba, kasama ang handle.

Papatawan ang suspek ng kasong frustrated murder at violence against women and their children.