Photo courtesy of Rosales PNP

                Hinahangaan ngayon ang pagiging matapat ng isang 13 anyos na binatilyo matapos na magbalik ng bag na naglalaman ng pera sa bayan ng Rosales.

                Ayon sa impormasyon mula sa Rosales PNP, tinurn over sa kanilang estasyon ng nagngangalang Samson De Vera, isang Grade 6 student sa Rosales National high school at residente ng barangay Carmay East sa nasabing lugar ang isang gray pouch na naglalaman ng cash card at P124 na cash money na nakita umano ni De Vera sa Barangay Zone II sa nasabing bayan.

-- Advertising --

                Bagamat, hindi kalakihan ang pera na laman ng natagpuang bag, hinahangaan pa rin ang binatilyo dahil sa ipinamalas nitong katapatan.

                Dahil dito, umaasa ang PNP Rosales, na tutularan din ng iba ang ginawa nito.