-- ADVERTISEMENT --

Patay ang isang katao habang isa ang sugatan sa bangaan ng dalawang sasakyan sa barangay Malabago sa bayan ng Mangaldan Pangasinan.

Ayon kay police Lt. Ronald Gabaen duty officer sa Mangaldan PNP , kinilala ang biktima na si Mark Anthony Licuanan, 29 anyos at residente ng bayan ng San Fabian habang ang nakabangga ay si patrolman Sean Jade Corpus, membro ng Mangaldan PNP.

Naganap ang insidente dakong alas 8 ng gabi, nag overtake ang nasabing pulis sa sinusundan na sasakyan dahil mabagal ang patakbo pero may parating na motorsiklo na walang headlight na nagresulta sa banggaan nila.

Naputol umano ang binti ng biktima at maraming sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan na sanhi ng agarang pagkasawi.

police Lt. Ronald Gabaen duty officer sa Mangaldan PNP

Pinaniniwalaan na mabilis ang patakbo ng dalawa kaya malakas ang impack ng banggaan ng dalawang sasakyan. Samantala, naisampa na ang kaso laban sa suspek.

-- ADVERTISEMENT --