Dagupan Mayor Belen Fernandez
Dagupan City Mayor Belen Fernandez/ FB post

DAGUPAN CITY- Mariing pinabulaanan ni Dagupan City mayor Belen Fernandez na siya ay na stroke at dinala sa ospital.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, giniit ng alkalde na malakas na malakas ang kanyang pangangatawan.

Sa katunayan ay nakapagpahinga ito at nakapagbawas ng timbang dahil medyo nabawasan ang trabaho.

Napuntahan din niya ang ilang mga aktibidad umaga ng Miyerkules.

Sinabi nito na gawa gawa lang ng kanyang mga kritiko ang nasabing balita.

Matatandaan na lumabas ang balitang isinugod sa pagamutan ang alkalde matapos makaranas ng stroke kasunod ng pagkatalo niya sa katunggaling si vice mayor Brian Lim sa katatapos na 2019 midterm election .

Samantala, umaasa ang alkalde na ngayong tapos na ang eleksyon ay magkakasundo na ang lahat , at alisin na ang poot at hidwaan para sa pag asenso ng siyudad.