Aprubado na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang dagdag P3 na singil sa mga interbank ATM transaction fees.

Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier, na ilang bangko lamang ang napayagan na magtaas ng P3 kada transactions.

Nilinaw nito na may mga kondisyon silang ipinatupad bago aprubahan ang pagtaas.

Ilan dito ay dapat abisuhan muna ng mga banko ang kanilang kliyente bago nila tuluyang ipatupad ang pagtaas ng presyo ng ATM fees.