-- Advertisements --
dilg spox jonathan malaya

Inihayag ng National Security Council na dapat ikonsidera ng Kongreso ang paglalaan ng pondo para sa pagpapatayo ng permanenteng struktura sa Ayungin shoal sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa 2024.

Sinabi din ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na ang naturang panukala ay kailangan ng seryosong konsiderasyon mula sa Kongreso.

Kung saan ipinunto ng opisyal ang kasalukuyang kalagayan ng BRP Sierra Madre, ang military outpost ng Pilipinas sa West Philippine Sea na ngayon ay kinakalawang na at kailangang makumpuni.

Matatandaan na una ng pinalutang ni Senator Francis Escudero ang panulaa na maglaag ng Php100 million para sa pagtatayo ng struktura sa Ayungin shoal kabilang ang accommodation para sa mga tropa ng mga Pilipino na naka-istasyon sa naturang barkong pandigma ng bansa.

Sinuportahan naman nina Senator Ronald Dela Rosa at Senate Minority Aquilino Pimentel ang nasabing panukala na pagtatayo ng struktura na ayon kay Sen. Escudero ay dapat na hindi military structure kundi magsisilbi itong shelter para sa mga mangingisdang Pilipino kapag masama ang lagay ng panahon o kaya naman ay halfway house para sa mga research vehicles.

Una naman ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Col. Medel Aguilar na kailangan ng masusing pag-aaral kung pinapayagan sa ilalim ng international law ang pagtatayo ng struktura sa Ayungin shoal.