Marine Battalion Landing Team

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Marines (PM) na idedeploy sa Sulu ang Marine Battalion Landing Team (MBLT)-8.

Ito’y matapos sumailalim sa 9-month retraining and refurbishing program.

Ang deployment ng MBLT-8 sa nasabing probinsya ay para lalo pang palakasin ang kampanya ng militar laban sa Abu Sayyaf Group.

Sa isang seremonya kahapon sa Philippine Marines headquarters sa Fort Bonifacio sa Taguig City, idineklarang “operationally ready” ang MBLT-8 na ang ibig sabihin ay pinaigting at pinalakas ang lahat ng mga kailangang skills.

Dagdag dito na lahat ng mga assets and equipment ay repaired, pinalitan o dinagdagan pa para mas magiging mataas ang operational readiness ng unit.

Mensahe naman ni Philippine Marine Corps Commandant M/Gen. Alvin Parreño, “As the most trusted force of the AFP, the Filipino people highly rely on the security, the services and the response that the Philippine Marine Corps delivers. We cannot fail those who gave their trust in us. We must always be ready to respond and accomplish our mission.”

Hinimok ni Parreño ang mga tropa na “always speak peace and development and embrace “jointness” in the joint environment, as we don’t compete with our brothers and sisters in the other service but rather complement each other to accomplish more.”

Ang MBLT 8 ay in-activate noong July 28, 1978.

Si Lt. Col. Rommel Bogñalbal ang kasalukuyang commanding officer ng Marine Battalion Landing Team 8.