Pfzer 1016
-- Advertisements --

Natanggap ng bansa ang karagdagang mahigit isang milyong doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Lumapag ang eroplanong pinagsakyan ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay pasado alas-nuebe ng gabi.

Sa nasabing bilang ay 862,290 dito ay mananatili sa Metro Manila, 141,570 ay ipapadala sa Cebu, habang 64,350 naman sa Davao.

Ito ay bahagi ng mahigit 2.2-milyon na Pfizer-BioNTech na binili ng gobyerno sa tulong na rin ng Asian Development Bank.

Ang nasabing mga bakuna ay siyang gagamitin sa pagpapabakuna sa mga menor de edad.

-- Advertisement --