Asahan daw na dadami pa ang presensya ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa kabila ng hinigpitang panuntunan dito ng gobyerno.

Ito ang paniniwala ng isang real estate consultancy firm dahil sa lawak ng mga lupa sa mga bansa na maaaring pagtayuan ng mga POGO.

Sa isang press conference sinabi nI Santos Knight Frank (SKF) Consultancy senior director Morgan McGilvary na hindi imposibleng makalusot pa rin ang POGO investors lalo na’t maaari pa ring kumuha ang mga ito ng sublicense para sa operasyon.

“We should expect POGOs to continue to expand in Metro Manila and when that office space runs out, we can expect them; out of Metro Manila as well.”

“We can start to expect some Cambodian operators to come into the Philippines,” ayon naman kay SKF founder Rick Santos.

Kung maaalala, noong Agosto nang itigil ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang pagtanggap sa license application ng mga POGO.

Kamakailan naman nang ipasara ang isang POGO na hindi nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Ayon sa kompanya, naging target na rin ngayon ng naturang industriya ang ilang siyudad sa labas ng Metro Manila.