KORONADAL CITY – Nakatanggap na ng relief goods mula sa provincial government ng Maguindanao ang napakaraming pamilya na lumikas matapos maipit sa labanan ng magkabilang grupo sa Talitay at ngayon ay nanatili sa Barangay Butilen Mother Kabuntalan.

Pinangunahan ni PDRRMO Nasrullah Imam ang pamimigay ng relief goods sa mga IDP’s sa lugar.

Ang ayuda na tinaggap ng bawat pamilya ay kinabibilangan ng mga hygiene kit, sleeping mats, bigas mga sardinas at noodles.

Magugunitang lumikas ang daan daang pamilya matapos na maapektuhan dahil umano sa away o rido ng dalawang kilalang pamilya sa nabanggit na bayan.

Maliban sa Agila ng Maguindanao, PDRRMO at Office of Civil Defense tuloy tuloy din ang pagtulong ng LGU Kabuntalan sa mga evacuees.