Umaapela si Agriculture Secretary William Dar sa Kamara na madagdagan ng P30 billion ang kanilang pondo para sa susunod na taon.
Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni Dar na kulang ang P91 billion budget na nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP) para sa Department of Agriculture (DA).
Nabatid na ang naturang halaga ay 1.05 percent na mas mataas lamang kumpara sa pondong natanggap ng kagawaran ngayong 2021.
Ayon kay Agriculture Usec. Fermin Adrinao, aabot sa P231.76 billion ang hiling nila na pondo, pero P90 billion lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa DA sa 2022.
Ayon kay Dar na makakatulong ang hinihiling nilang karagdagang P30 billion pondo para sa kanilang iba’t ibang programa para sa mga magsasaka, mangingisda, consumers at iba pang stakeholders.
Iginiit ng kongresista na nahaharap pa rin kasi ang sektor ng agrikultura sa tinatawag nila na “perfect storm” dulot ng iba’t ibang problema tulad ng COVID-19 pandemic, African swine fever, pati na rin ang epekto ng mga nagdaang malalakas na bagyo at pagputok ng Taal Volcano.