Ipinag-utos ng Department of Agriculture ang masusing pagrepaso sa mga proyekto ng solar-powered irrigation system ng ahensya.
Ito ay kasunod ng mga ulat na ilang unit nito ay tuluyang napabayaan o hindi na gumagana.
Dahil dito ang, inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr sa mga regional executive director (RED) ng DA na magsagawa ng pagsusuri sa tulong ng pribadong sektor sa pangunguna ni dating agriculture secretary Manny Piñol.
Ang hakbang ay ginawa ni Tiu Laurel kasunod ng pahayag ni Piñol sa online hinggil sa isang solar-powered irrigation system sa Mlang, Cotabato na natapos noong 2020 ngunit hindi nai-turn over sa mga benepisyaryo ng magsasaka ng DA Regional Office sa Soccsksargen.
Sinabi ng DA upang matiyak ang transparency, makikipag-ugnayan ang mga regional executive director kay Piñol sa kanilang pagsusuri at pagtatasa ng solar-powered irrigation system na sumasaklaw sa mga yunit na ganap na gumagana at ang epekto nito sa pagtaas ng produktibidad ng bigas, kabilang ang mga salik na nag-aambag sa kanilang matagumpay na operasyon.
Susuriin din ng ang mga hindi gumaganang yunit ng naturang solar-powered irrigation system at ang mga dahilan sa likod ng kanilang kabiguan pati na rin ang teknikal na pagtatasa ng mga umiiral na yunit ng solar-powered irrigation system , kabilang ang mga rekomendasyon kung paano pagpapabuti ng programa.
Batay sa mga rekord ng DA, mahigit 200 SPIS units ang naitayo sa buong bansa mula nang gamitin ito bilang isang banner program.
Ang solar-powered irrigation system program ay unang ipinakilala ni Piñol sa kanyang termino bilang DA chief upang makatulong sa pagkakaroon ng rice self-sufficiency sa price-competitive levels.
Gayunpaman, hindi nakamit ang malawakang adoption nito dahil sinabi ni Piñol na ang P40-bilyong soft loan ay inaalok ng gobyerno ng Israel para pondohan ang mahigit 6,000 units ng SPIS para masakop ang 500,000 ektarya ay hindi naaksyunan ng economic team ng nakaraang administrasyon.