ILOILO CITY – Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng magsasaka hinggil sa pagiging world’s top rice importer ng Pilipinas.

Ito ay may kaugnayan sa report ng United States Department of Agriculture Foreign Agricultural Service kung saan nalampasan ng Pilipinas ang China na may 3-million metric tons ng rice import samantalang mayroong expected import ang China na 2.5 metric tons ngayong taon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Engr. Remelyn Recoter, executive director ng DA-Region 6, sinabi nito na ito’y epekto ng Republic Act 11203 o Rice Tarrification Act kung saan binabawi ang import restriction ng mga bigas ngunit nagpapatupad ng taripa sa bawat import.

Ito’y nangangahulugan na kahit sino ang posibleng mag-import ng bigas kapalit ng pagbayad ng 35% hanggang 40% na import taxes para sa mass irrigation, warehousing, at research.

Ayon kay Recoter, sobra sa kailangan ng mga Pilipino ang bigas sa Pilipinas.

Nilinaw din nito na nag i-import ng bigas ang Pilipinas dahil 93% lang ang supply ng bansa at kailangan na mayroong buffer stock.