-- Advertisements --

Nanawagan ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa Department of Agriculture (DA) na bilhin ang palay ng mga magsasaka sa bansa lalo pa ngayong mababa ang farmgate prices dahil sa pagdagsa ng maraming imports.

Ayon sa SINAG, papalo sa P10 hanggang P13 kada kilo na lamang ngayon ang farmgate prices ng palay na sobrang mababa na kumpara sa production cose ng P15 kada kilo.

Para sa SINAG, P19 kada kilo ang “tamang presyo” para sa tuyo na at P16 naman kada kilo sa bagong ani lang na palay.

Pebrero 2019 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Law, na nag-aalis sa quantitative restrictions ng inaangkat na bigas at sa halip ay patawan na lang ng 35-percent tariff ang mga ito.