Mataas pa rin umano ang kumpiyansa ng Golden State Warriors kahit na hindi sila nagtagumpay sa Game 1 ng NBA Finals kontra sa Toronto Raptors.

Ayon kay Warriors guard Stephen Curry, hindi raw sila nababahala sa kanilang sitwasyon dahil hindi pa naman daw katapusan ng mundo.

“Obviously the bad is we’re down 0- 1 but it’s not the end of the world,” pahayag ni Curry.

“New experiences for us all the way through, but we have proven our resiliency and ability to win games that we need to, and kind of answer the bell and learn from nights like tonight,” dagdag nito.

Aminado naman si Golden State coach Steve Kerr na hindi nila nagawang matibag ang depensa ng Toronto sa laro nitong Biyernes.

“Our transition defense was just awful and that’s the number one priority when you play Toronto,” ani Kerr. “We gave up 24 fastbreak points, we turned it over 17 times. So that’s the game, really.”

Tiwala din ang two-time defending champions na makakaya nilang itabla ang serye nila ng Raptors sa darating na Game 2 sa Lunes.

Sa panig naman ng Toronto, sinabi ni forward Pascal Siakam na paghahandaan ng kanilang koponan ang anumang adjustments na gagawin ng Warriors.

“We’re playing an amazing team. They’re the champions and we’ve just got to be ready. We won Game 1. We were very aggressive on defense and tried to make it tough for players to find open shots,” wika ni Siakam.

“But they’re going to come out and make adjustments and we’ve got to be ready for that.”