OAKLAND, California – Nanguna ang dating MVP na si Stephen Curry sa kanyang 22 points upang itala ang unang panalo ng Golden State Warriors sa pagsisimula ng semifinals laban sa Utah Jazz, 106-94.

Tumulong din sa panalo ng Jazz si Draymond Green na may 17 points, eight rebounds, six assists at si Kevin Durant na nagdagdag ng 17 points, five rebounds at five assists.

Pero medyo inalat si Durant na meron lamang pito sa 17 attempts.

Habang si Klay Thompson ay nagpakita ng 15 points.

Tulad ng inaasahan si interim coach Mike Brown muna ang humawak sa Warriors habang nagpapagaling pa ang reigning NBA Coach of the Year na si Steve Kerr.

Ang Game 2 ay gagawin sa homecourt pa rin ng Warriors sa Biyernes.

Samantala sa Jazz nanguna naman ang 7’1″ na si Rudy Gobert na may 13 points at si Gordon Hayward na may 12 points.