-- Advertisements --

Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) hinggil sa review classes at reviewers para sa Career Service Professional and Subprofessional Examination (CSE) na inaalok ng mga center, grupo o indibidwal.

Iginiit ng CSC na hindi sila nagsasagawa ng anumang review classes o namamahagi ng anumang review materials para sa kanilang CSE o anumang civil service tests.

Ayon sa CSC, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa reviewers at group reviews para sa CSE na iniaaok o ibinibenta sa mga bookstores, socialmedia, o online selling websites.

Mayroon pa nga aniyang nagsasabi na ang mga reviewers na ito ay inihanda ng mga top-notchers sa CSE.

Gayunman, iginiit ng CSC na wala silang ibinigay na accredation sa anumang review center para sa mga prospective career service examinees.

-- Advertisement --