Screenshot 2020 06 03 19 16 15 55

Nagpahayag ng suporta ang grupong Pinoy Aksyon for Governance and Environment (Pinoy Aksyon) sa reklamo na isinampa ng mga empleyado ng National Center for Mental Health (NCMH) laban kay dating chief administrator Clarita Avila.

Sinampahan ng mga miyembro ng NCMH Employees Association si Avila ng kasong Usurpation of Authority Amounting to Grave Misconduct sa Civil Service Commission noong November 22, 2019.

Ito ay dahil inaprubahan umano ni Avila ang leave ni Arturo C. Salcedo, isa ring empleyado ng NCMH na walang pahintulot mula sa OIC sa panahon ni Dr. Allan Troy Baquir.

Si Salcedo naman ay inireklamo rin ng nasabing asosasyon dahil sa kanyang paglabag sa Omnibus Rules on Leave.

Si Salcedo ay naaprubahan na mag-leave ng 112 na araw kahit na ang nakalaan na leave para sa kanya at siyan na araw lamang.

“Malinaw na inabuso ng Avila ang kanyang pwesto para pagbigyan ang hiling ni Salcedo. Kung bakit ginawa n’ya ito ay hindi natin alam. Sa CSC na s’ya magpaliwanag,” Ani BenCyrus G. Ellorin, chairperson ng Pinoy Aksyon.

Si Avila ay nakilala ng publiko nang binulabog niya ang NCMH dahil sa pagsulat niya ng isang Facebook post.

Ang nasabing post ay naglalaman ng kanyang mga alegasyon laban sa mga namamahala sa NCMH.

Kalaunan, nalaman na walang basehan ang mga paratang ni Avila.

Matatawag daw na “fake news” ang mga akusasyon niya laban sa NCMH.

Hindi bababa sa pito ang kontrobersiyal na mga kaso na kinasasangkutan ni Avila.

Kabilang sa mga kaso ay nepotism, serious dishonesty and falsification of documents at graft and malversation.

May lima ring kaso na hawak ng Office of the Ombudsman (OMB) at dalawa ay hawak ng Legal Service ng Department of Health (DoH).

Sa harap ng kabi-kabilang kaso laban sa kanya habang siya ay nasa NCMH, napagpasyahan marahil ng DoH na ilipat muna si Avila.

Noong March 9 pa lang ay napirmahan na ng kinatawan ng DoH ang Department Personnel Order No. 2020-1078 na natanggap na ni Avila noong April 14, 2020.

Base sa transfer order na ito, pinapalipat na si Avila sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Las Piñas City pero ayaw niya umano itong sundin.