CENTRAL MINDANAO-Nadakip ang isang bigtime drug pusher na itinuturing na high value target sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Sahid Usop Talib,28 anyos,Criminology student at residente ng Barangay Dalican Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) Regional Director Juvenal Azurin na nagsagawa sila ng drug buybust operation katuwang ang pulisya at militar malapit sa tahanan ng suspek.

Nang i-abot na ng estudyante ang droga sa PDEA-Asset doon na siya hinuli ng mga otoridad.

Narekober sa posisyon ng suspek ang 1000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 6.8 milyon pesos sa drug market value,mark money, sling bag na naglalaman ng kulay itim na wallet at mga ID, isang black Honda Civic, two (2) units mobile phone at drug paraphernalia.

Nakatakas naman ang kasama ni Talib na si Omar Misuari na patuloy ngayong pinaghahanap ng mga tauhan ng PDEA-BARMM.

Nakakulong na ang suspek sa lock up cell ng PDEA-BARMM sa Cotabato City at nakatakdang sampahan ng kaso.