Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Patay na nang madatnan ang isang criminology student matapos itong magpatiwakal sa loob ng kaniyang boarding house sa Barangay Calumpang, Naval Biliran.

Kinilala ang biktima na si Carlito Lumapac Ramoso Jr., 22 taong gulang, residente ng San Isidro, Leyte.

Ayon kay Police Capt. Chamberline Ludivese, Hepe ng Naval municipal police station, na ilang araw ng hindi lumalabas ng kaniyang kwarto ang biktima at dahil dito ay nagdesisyon ang landlady na puntahan ito.

Doon na tumambad ang bangkay ng biktima na nakabiti gamit ang pinagdugtong-dugtong na sintas ng sapatos.

Napag-alaman na ang biktima ay may problema sa kaniyang pamilya at maraming beses na rin na nagtangkang magpakamatay.