Bahala na umano ang mga prosecutors ng Department of Justice (DOJ) sa criminal liability na posibleng kakaharapin ni dating PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Oscar Albayalde.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salavador Panelo, nakadepende sa resulta ng Senate investistigation kung may criminal liability si Albayalde dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyu ng drug recycling ng mga tinaguriang “ninja cops.”

Ayon kay Sec. Panelo, trabaho ng mga prosecutors ng DOJ ang pagdetermina sa probable cause ng criminal offense ng isang akusado.

Inihayag ni Sec. Panelo na balewala na ang administrative offense ni Albayalde na inaalam ng Department of Interior and Local Government dahil nagbitiw na siya sa kanyang tungkulin bilang chief PNP.