Hiundi nagdeklara ng emergency o nag-ulat nang nararanasang technical problems ang crew ng Indonesian passenger jet bago pa man ito bumagsak sa karagatang sakop ng Jakarta noong weekend.

Sa ngayon, hindi pa rin maipaliwanag ng mga awtoridad kung bakit bumagsak ang 26-anyos na eroplano apat na minuto makalipas na mag-takoff ito, pero kanilang sinabi na natunton na nila ang lokasyon ng black boxes nito.

Ayon kay National Transportation Safety Committee investigator Nurcahyo Utomo, normal na routine exchanges lamang ang napag-usapan ng crew ng eroplano at ng air traffic control nang mag-takeoff ito.

Wala aniyang kahinahinala o nakakabahala sa pag-uuusap ng dalawang panig bago pa man bumagsak ang Sriwijaya Air Boeing 737-500 ilang sandali bago ito bumagsak sa Java Sea.

Nabatid na 62 Indonesian na pasahero at crew ang lulan ng bumagsak na eroplano, kabilang na ang 10 bata. (AFP)