Naplantsa na ng mga kinatawan ng Senado at Kamara, na umuupo bilang bicameral conference committee, ang pagkakaiba sa bersyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa proposed Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda, inihahanda na ng secretariat ang final coply ng reconciled version, na kanilang lalagdaan ngayong weekend, at raratipikahan bukas, Pebrero 1, 2021, o sa Martes, Pebrero 2, 2021.

Ilan sa mga major items na napagkasunduan sa bicameral conference meeting ay ang mas maiksing incentives para sa domestic enterprises, mas mahigpit na control kotra ilicit trade sa ilang economic zones, at mas mahabang incentives para naman sa mga lugar sa labas ng National Capital Region.

Napagkasunduan din na ang domestic enterprises ay maaring makapag-avail ng limang taon na mas maiksing special corporate income tax (SCIT) o enhanced deductions kumpara sa bersyon ng Senado sa naturang panukalang batas.

Bukod dito, kailangan din na mag-invest ng capital na P500 million para ma-qualify sa SCIT.

-- Advertisement --

Para naman sa mga critical domestic industries, makakapag-avail sila ng incentives kahalintulad ng sa export enterprises.

Ang mga industriyang qualfied bilang critical ay tutukuyin ng NEDA, bilang ito ang magsisilbing arbiter sa pagitan ng fiscal health at industrial development.