-- Advertisements --

Isiniwalat ng umano’y dating komunista na si Jeffrey Celiz na may nakukuha raw na parte ang Communist Party of the Philippines (CPP) mula sa mga infrastructure projects ng Department of Works and Highways (DPWH).

Sa isinagawang imbestigasyon ng Senado kahapon tungkol sa kontrobersyal na red-tagging, inilarawan ni Celiz ang CPP-NPA-NDF bilang pinaka-malaking mafia-style, highly organized at “most prolific” extortion machinery sa balat ng lupa.

Ayon dito hindi raw kinaya ng gobyerno na pigilan ang ginagawang ito ng ga komunista.

Inilintad din ni Celiz na nakakakuha umano ng impormasyon ang CPP tungkol sa mga proyekto, lokasyon, gastos at project managers direkta mismo sa DPWH.

Dagdag pa nito na inoobliga raw ng CPP ang dalawang pinakamalaking telecommuncation companies sa bansa na bayaran sila ng humigit kumulang P200 million kada taon.

Hindi naman nagbigay ng karagdagan pang detalye tungkol dito si Celiz pero aniya malinaw daw itong banta para sa seguridad ng Pilipinas.

Maituturing naman na “open secret” ang inilantad na impormasyon sa Senado ni Celiz, ayon kay Sen. Panfilo Lacson, na siya ng nanguna sa pagdinig kahapon.

Hirit pa ni Lacson na nakakakuha ng 2 percent ang New People’s Army (NPA) mula sa infrastructure projects ng gobyerno.

Wala raw kasing aandar lalo na sa mga areas of influence ng NPA kung wala silang makukuhang 2 percent mula sa mga contractors. Bukod pa rito ang natatanggap daw ng NPA mula sa ibang mambabatas.