LEGAZPI CITY – Humihingi ng pang-unawa ang lokal na pamahalaan ng Guinobatan sa kanilang mga residente matapos na isailalim ang bayan sa dalawang linggong lockdown.
Nagsimula na ito kahapon at tatangal hanggang Setyembre 15.
Ito ay kasunod ng pagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID) ng apat na empleyado ng munisipyo ng Guinobatan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Gemma Ongjoco, gagamitin ang panahon ng lockdown upang malimitahan ang paggalaw ng mga residente at maiwasan ang mas pagkalat ng virus habang magsasagawa rin ng contact tracing.
Sa ngayon may mga close contact na ng apat na COVID patients ang dinala na sa quarantine facility at isinailalim sa swab test upang malaman kung tinamaan nahawaan.
Ipinasara na rin ang mga opisina ng gobyerno para sa disinfection maliban na lamang sa mga pinakakailangang serbisyo.
Kabilang dito ang mga Rural Health Unit clinics, National Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pa.
Pinawi rin ng alkalde ang pangamba ng publiko dahil ginagawa naman umano ang lahat sa abot ng kanilang makakaya upang mapigilan ang mas pagkalat pa ng deadly virus.