LAOAG CITY – Umabot na sa 20 Pilipino sa Italy ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 .

Ito ang report ni Bombo International Correspondent Demetrio Bong Rafanan sa Rome, Italy.

Sinabi ni Rafanan na kanina lamang ay nakumpirma ng grupo na OFW (Overseas Filipino Worker) Watch Italy na may dalawang Pilipino na ang namatay dahil sa nasabing virus.

Aniya, ang mga binawian ng buhay ay parehong nasa Bergamo na bahagi ng Northern Italy kung saan may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.

Sa ngayon aniya ay 59,138 na ang kabuuang kaso ng deadly virus sa Italy at 5,476 na ang nasawi.