-- Advertisements --
Bumaba pa ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region sa 0.61 mula sa 0.74 na naitla sa nakalipas na linggo, ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David.
Ang seven-day average naman sa NCR ay bumaba rin sa 1,933, na siyang pinakamababa mula noong July 31 hanggang August 6 period, bago nagpatupad ulit ng enhanced community quarantine sa rehiyon.
Samantala, ang positivity rate naman sa rehiyon ay nananatili pa rin sa 12 percent.
Ayon kay David, ang kasalukuyang average daily attack rate (ADAR) sa NCR ay 13.65 sa kada 100,000 katao.
Kaya naman nananatili pa rin aniya ang rehiyon sa moderate risk level.
Sa ngayon, nasa ilalim pa rin ng Alert Level 4 ang NCR hanggang sa Oktubre 15.