-- Advertisements --

Naninindigan ang Department of Health (DOH) na bagama’t ika-20 ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming COVID-19 cases sa buong mundo, maganda ang ginawang pagtugon rito ng gobyerno dahil sa mataas na bilang ng mga recoveries at target pa nilang taasan ang bilang ng mga gumagaling na pasyente.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire,ang ginawang ranking ng Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center ay batay lamang sa cumulative number of cases na naitala ng bawat bansa.

Ayon kay Usec. Vergeire, mayroon lamang 56,000 active cases ang Pilipinas kung saan marami dito ay mild at asymptomatic habang nasa 80 percent na ang recoveries.

Inihayag ni Usec. Vergeire na target nilang maabot ang 95 percent recoveries sa lalong madaling panahon.