-- Advertisements --

Mas malaki ang tsana na ma-contain ang mutations ng COVID-19 sa pamamagitan nang pagbibigay ng booster shots sa mas maraming tao sa Pilipinas, ayon kay vaccine expert panel member at infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante.

Sinabi ito ni Solante ngayong pinayagan na ng national government ang pagtuturok ng booster shots sa mga fully vaccinated na edad 18 pataas.

Para kay Solante, ang desisyon na ito ng pamahalaan ay “major step” para maabot ang sapat na proteksyon na target para sa populasyon ng bansa.

Ang isang indibidwal na magpapaturok ng booster shots ay maaring makiatanggap ng kaparehong brand ng COVID-19 vaccine na natanggap nito sa initial series o ang tinatawag na homologous vaccine.

Maari rin na ibang brand na ang gamitin para sa booster shots kumpara sa initial series o ang tinatawag naman heterologous vaccine.

Ayon kay Solante, posible na mas maraming side effects ang maranasan ng isang indibidwal kung heterologous vaccine ang gagamitin sa booster shot.

Gayunman, tiniyak nito na ang pagbibigay ng booster shots ay makakatulong para mapataas pa lalo ang lebel ng proteksyon na mayroong isang inibidwal kontra COVID-19.