Hindi na tatanggap pa ang Department of Labor and Employement (DOLE) ng application ng mga employers para sa P5,000 cash assistance sa mga formal workers sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP) simula ngayong Huwebes, Abril 16, 2020.
Sa isang panayam, sinabi ni Labor Asec. Dominique Tutay na ito ay para bigyan daan ang P51-billion wage subsidy program ng DOF para sa mga middle-income workers.
Ayon kay Tutay, 321,000 formal workers ang kanilang target beneficiaries sa ilalim ng CAMP.
Sa ngayon aniya, 236,000 formal workers na ang nabiyayaan ng P5,000 cash aid sa ilalim ng naturang programa, na may budget na P1.6 billion.
Mayroon nang request para sa supplemental budget para rito kung saan tinatayang 500,000 workers pa sa formal sector ang magbebenepisyo.