ROXAS CITY – Pumalo na sa 18 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Western Visayas. 

Ito ay base sa inilabas na COVID-19 Case Bulletin No. 6 ng Department of Health (DOH) Region 6. 

Base sa latest data ng ahensiya, natukoy na tatlong kaso na ang naitatala sa Aklan; isang kaso ang sa Capiz; lima sa probinsya ng Iloilo; osa sa Negros Occidental; lima sa Bacolod City; at tatlo naman sa Iloilo City.

Nabatid na isa sa mga nagpositibo sa Bacolod City ay tuluyan nang naka-recover sa sakit at nakalabas na rin ng ospital.

Samantala, isa naman sa tatlong COVID-19 cases sa Iloilo City ang tuluyang binawian ng buhay. 

Nananatili namang COVID-19 free ang mga lalawigan ng Guimaras at Antique.