Quezon City
-- Advertisements --

Umakyat na sa 2,376 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City, batay sa bulletin na inilabas ng local government unit.

Ayon sa QC LGU, as of June 6, mula sa nasabing total ay 2,273 ang may kumpletong address sa lungsod. Nasa 2,198 naman ang na-validate ng kanilang Epidemiology and Surveillance Unit, kasama ng health offices ng mga distrito.

Mula sa anim na distrito ng lungsod, pinakaraming naitalang kaso ng sakit sa District 4 kung saan may 622 cases.

Sa mga barangay naman, pinakamalaking numero ng COVID-19 cases ang reported mula Brgy. Batasan Hills sa District 2.

Ang total ng recoveries sa QC ngayon ay 1,134 dahil sa 51 na bagong gumaling.

-- Advertisement --

Samantalang 194 ang kabuuan ng death toll, bunsod ng dalawang bagong namatay.

Simula noong May 13 ilang barangay at kalsada sa QC ang isinailalim sa 14-araw na special concern lockdown dahil sa mataas na bilang at clustering ng mga kaso ng sakit.

Nitong June 1, nadagdag sa listahan ang Calle 29 sa Brgy. Libis.