Pumalo na sa 401,416 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, nadagdagan ng 1,672 new cases ang total case count.
“8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on November 10, 2020.”
Ang lalawigan ng Cavite pa rin ang lugar na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa 100 new cases. Sumunod ang Davao City, Quezon City, Batangas at Baguio City.
Nasa higit 31,489 pa ang active cases o mga nagpapagaling. Ang total recoveries naman ay nasa 362,217 dahil sa additional na 311. Samantalang 49 ang bagong nadagdag sa total deaths na ngayon ay nasa 7,710 na.
“5 duplicates were removed from the total case count. Of these, 3 were recovered cases. Moreover, 10 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”