-- Advertisements --

CEBU CITY – Nadagdagan nang isa ang bilang mga nahawaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa Central Visayas kaya nasa 36 na ang total cases nito.

Batay sa ulat mula sa Department of Health (DOH)-7, kabilang na sa mga nagpositibo si Patient CV-36, isang 68-year old na lalaki mula sa lungsod ng Cebu.

Nasa 23 na ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa Cebu City, tatlo naman sa Lapu-Lapu City, at dalawa sa Mandaue City.

Nananatiling apat ang COVID-19 cases sa Negros Oriental, tatlo sa Cebu Province, at isa sa Bohol, habang COVID-free naman ang Siquijor.

Samantala, nadagdagan pa ang mga COVID-free patients nang anim mula sa Cebu City at Mandaue City kaya nasa 19 na ang bilang ng mga gumaling.

Kasalukuyan ding nasa walo ang kabuuang bilang ng mga namatay mula sa naturang virus.

Ayon kay DOH-7 Director Dr. Jaime Bernadas na magsisilbing inspirasyon ang tumataas na bilang ng mga gumaling upang maisagawa ang mga containment measures laban sa nakamamatay na sakit.