Umabot na ng 25,930 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng panibagong 539 cases ang Department of Health ngayong araw.

Sa nasabing bilang, 366 ang “fresh” cases mula sa test results na inilabas sa nakalipas na tatlong araw habang 173 katao ang “late” cases.

Nadagdagan naman ng 248 ang mga pasyenteng naka-recover dahilan upang pumalo sa 5,954 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na gumaling mula sa nakamamatay na virus.

Kumpara naman sa naitalang 22 deaths kahapon, Hunyo 13 ay bahagyang mababa lamang ang nadagdag ngayong araw, Hunyo 14, sa bilang na 14 deaths.

Sa kabuuan ay mayroon ng 1,088 katao ang namamatay dahil sa COVID-19.