-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record-high ng COVID-19 cases ang bansa.

Ayon sa tala ng Department of Health (DOH) mayroong bagong 22,820 na COVID-19 cases ang kanilang naitala nakalipas na Setyembre 9, 2021.

Nahigitan nito ang highest daily infection nitong Setyembre 6, 2021 na mayroong 22,415.

Sa listahan ng DOH ay mayroon ng 166,672 ang aktibong kaso sa buong bansa habang ang kumpirmadong kaso ay lomobo pa 2,161,892.

Mayroong 12,337 na pasyente ang bagong gumaling mula sa COVID-19 na nagdadala ng 1,960,487 na ang kabuuang nakarekober mula noong nakalipas na taon.

-- Advertisement --

Sa listahan din na inilabas alas-8:30 na ng gabi ng DOH ay mayroong 61 na karagdagang bagong nasawi kaya ang kabuuang bilang ng death toll sa bansa ay umaabot na sa 34,733.

Karamihan aniya sa mga aktibong kaso na 8.70 percent ay mild cases, 8.3 percent ang asymptomatic, 1.4 percent ang severe, 2.65 percent ang moderate at 0.7 percent ang kritikal.