Kylie Jenner
Kylie Jenner/ IG post

Naibenta na ni Kylie Jenner ang majority share niya sa cosmetics company sa halagang $600 million.

Dahil dito ay kokontrolin na ng beauty giant na Coty ang brand na Kylie Cosmetics at Kylie Skin.

Sinabi ng 22-anyos na plano nitong gumawa ng brand para sa international beauty powerhouse.

Kabilang si Jenner sa Forbes bilang youngest self-made billionaire dahil sa kita nito na $360 million sales noong 2018.

Taong 2015 ng inilunsad nito ang kaniyang lipsticks at mula noon ay lumago ito sa face make-up at skin care.

Aabot din sa 151 million ang kaniyang followers sa Instagram at itinuturing na highest earner sa Kardashian family.

Ang kumpanyang Coty ay siyang may-ari ng mga brand na Burberry at Hugo Boss.