Inihayag ni President Donald Trump ang kaniyang naging desisyon sa pagpapatupad ng travel ban sa lahat ng indibidwal na bumisita sa Brazil sa nakalipas na 14 araw.
Ginawa ni Trump ang hakbang na ito kasunod na rin ng nang patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Simula May 28 ay magiging epektibo na ang naturang travel ban.
Isa ang Brazil sa mga bansang lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic kung saan nakapagtala ang bansa ng 347,000 kaso ng virus at 22,000 patay.
Ligtas naman mula sa bagong patakaran na ito ang daloy ng komersyo sa pagitan ng Amerika at Brazil.
Una nang ipinagbawal ng American president ang mga byahero na magmumula sa China, Europe, United Kingdom, Ireland at Iran.
Kung magugunita, ilang ulit na binalewala ni Brazilian President Jair Bolsonaro ang mabilis na pagdami ng COVID-19 cases sa kaniyang bansa.
Hindi rin ito naging sang-ayon sa pagsasara ng ilang mga negosyo sa Brazil maging ang pagpapatupad ng stay at home order dahil mas lalo lang umano mahihirapan ang ekonomiya ng naturang bansa.