BAGUIO CITY – Itinuturing bilang highly compliant ang buong Cordillera Administrative Region sa road clearing operations a direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), kabilang ang Cordillera sa mga pangunahing sumunod sa utos gayundin ang Rehiyon 2, 3, 6 at 7.

Nakamit ng Cordillera ang highly compliant na grado kahit may tatlong lokal na pamahalaan sa rehiyon ang nabigong sumunod sa direktiba.

Kabilang sa mga nabigo ang bayan ng Manabo at Boliney sa Abra at ang bayan ng Banaue sa Ifugao.

Umaaasa ang DILG na mapapanatili ang maayos na road clearing operations ng mga lokal na pamahalaan sa Cordillera.