charles conwell patrick day

Usap-usapan ngayon ang open letter ng US boxer na si Charles Conwell (11-0, 8 KOs) dahil sa labis niyang pagsisisi at pighati kung bakit humantong sa ospital ang kanyang nakalaban na si Patrick Day (17-4-1, 6 KOs) sa kanilang super-welterweight fight sa estado ng Chicago nitong nakalipas na weekend.

Naging madamdamin ang sulat ni Conwell na idinaan sa social media kung saan mararamdaman ang labis na pagsisisi na hindi naman niya akalain na hahantong daw sa matinding pinsala ang kanyang pinakawalang mga suntok kay Patrick.

Sinasabing si Patrick ay hindi pa raw nagigising hanggang ngayon sa Northwestern Memorial Hospital, dahil sa kritikal nitong kondisyon o nasa coma matapos magtamo ng head injuries. Sumailalim na rin ito sa brain surgery.

Ayon pa sa sulat ni Conwell, 21, dating 2016 Olympian mula sa Cleveland, maging siya ay labis ang kanyang pag-iyak at pagdarasal na sana’y gumaling na ang kanyang nakalaban.

“I replay the fight over and over in my head thinking what if this never happened and why did it happen to you,” ani Conwell sa sulat. “I can’t stop thinking about it myself I prayed for you so many times and shedded so many tears because I couldn’t even imagine how my family and friends would feel.”

Dumating pa raw sa punto na muntik na siyang magdesisyon na magretiro sa boksing.

Sumagot naman ang trainer ni Day, 27, na si Joseph Higgins sa emosyunal na sulat ni Conwell.

Naintindihan daw nila ang damdamin ng nanalong boksingero pero ‘wag na raw sisihin ang sarili dahil walang may gusto sa trahedya.

Maging ang kanyang alaga na si Patrick kung gising lamang ito ay hihikayatin pa rin daw si Conwell na ituloy lang ang career at pananagumpay sa boksing.

“Thank you for your kind words. Patrick was born across the street from me, so our relationship is special. He would have wanted you to continue,” sagot naman ni Higgins.

Open letter ni Charles Conwell sa kanyang twitter account:

“This is my last time speaking on the situation because of this being a sensitive topic not only for his family and friends but for myself and the sport of boxing.”

Dear Patrick Day,

“I never meant for this to happen to you. All I ever wanted to do was win. If I could take it all back I would no one deserves for this to happen to them. I replay the fight over and over in my head thinking what if this never happened and why did it happen to you. I can’t stop thinking about it myself I prayed for you so many times and shedded so many tears because I couldn’t even imagine how my family and friends would feel. I see you everywhere I go and all I hear is wonderful things about you. I thought about quitting boxing but I know that’s not what you would want I know that you were a fighter at heart so I decided not to but to fight and win a world title because that’s what you wanted and thats what I want so I’ll use you as motivation every day and make sure I always leave it all in the ring every time. #ChampPatrickDay With Compassion, Charles Conwell”

Patrick Day
Patrick Day