Reading Time: 1 minute

Nasa malubhang kalagayan ang isang matandang babae matapos na ito ay mahagip ng convoy nina Prince William at Catherine, Duchess of Cambridge.

Patungo sa Windsor ang mag-asawa para sa chapel service ng mabundol ng motorcycle escort ng dalawa sa bahagi ng Richmond, west London.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima maging ang driver ng motorsiklo.

Labis naman ang kalungkutan ng mag-asawa sa nangyari sa babae na nasa edad 80.