Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang consultant ni Sen. Pia Cayetano at staff ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ayon kay Senate secretary Atty. Myra Marie Villarica, mismong ang mga tanggapan ng dalawang senador ang nagpa-abot sa kanila ng naturang impormasyon, matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri.

Una rito, isa pang staff ni Cayetano ang positibo rin sa nasabing virus.

Maliban sa kanila nakumpirma rin nitong mga nakalipas na araw na infected ng COVID-19 sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sen. Koko Pimentel at Sen. Sonny Angara.