Dead on the spot ang isang construction worker matapos mahulog mula sa ika-21 palapag ng gusali sa Moret Street, Sampaloc sa Maynila.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station 4 Spokesman Police Capt. Philip Ines, ang biktima ay kinilalang si Jomar Sanchez.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na tinanggal ng biktima ang tinatawag na safety harness na kanyang suot nang sila ay makarating sa roof deck ng ika-21 palapag na gusali.

Kasama pa ni Sanchez ang isang Christian Buenavidez, na isa ring construction worker na nakasaksi nang tanggalin ng biktima ang kanyang safety harness.

Ito umano ang naging dahilan para mawalan ng balanse ang biktima, na nagresulta sa kanyang pagkakahulog sa sahig ng construction site ng gusali.