CAUAYANCITY – Inaresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isang construction worker na nahaharap sa kasong carnapping sa Cabaruan, Cauayan City.

Ang dinakip ay si Noel Ramos, 49 anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Reymundo Aumentado ng RTC Branch 20 Cauayan City dahil sa paglabag sa Anti Carnapping Law.

Makakalaya pansamantala si Ramos kapag naglagak ng piyansang P180,000.00.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon bago ipasakamay sa court of origin.