Umapela ngayon ng tulong ang gobyerno ng Republic of Congo matapos na marami sa kanilang mamamayan ay apektado ng malawakang pagbaha.

Sinabi ni President Denis Sassou Nguesso, na nasa 150,000 sa kaniyang mamamayan ang apektado ng pagbaha.

Dahil dito ay nanawagan ito sa international community ng agarang tulong.

Nauna ng inanunsiyo ng European Union na magbibigay ito ng $1.12 million na tulong sa nasabing bansa.