Pinabulaanan ni Ginebra coach Tim Cone na inilipat na sa North Port si Greg Slaughter.

Sinabi nito na ang nasabing usapin ay pawang mga tsismis lamang at walang katotohanan.

Itinanggi rin nito na nagkaroon ng trade sina Slaughter kay NorthPort player Christian Standhardinger.

Nauna rito nagpaso na ang kontrata ni Slaughter para sa Ginebra kung saan kinakausap na ni Cone ang manager ng Ginebra center.