Coach Tim Cone
Tim Cone / PBA image

Ipinaliwanag ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang mabilis na ensayo bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian games.

Ayon kay Cone, basta nagawa ng kaniyang manlalaro ang dalawa sa apat na bagay na nakasaad sa kanilang game plan ay agad nitong pinapatapos ang ensayo.

Isa pang dahilan ay karamihan sa mga manlalaro nila ay kasalukuyang may mga ensayo rin sa kani-kanilang koponan sa PBA.

Sa pangalawang pagkakataon aniya ay kumpletong dumalo ang 15 players na nasa pool.

Nakatutok daw sila ngayon sa opensa at kanila namang paiigtingin ang naangkop na depensa sa susunod na linggo.