Kumpirmado na ang kauna-unahang solo concert ng South Korean girl group na Twice sa bansa sa darating na June 29, 2019.

Inanunsyo ang nasabing concert ng grupo sa kanilang official Twitter account.

Inaabangan na rin ng mga fans ang detalye kung saan makakabili ng mga tickets at pati na rin ang venur ng nasabing concert.

Magsisimula ang world tour ng grupo sa May 25 at 26 sa Seoul, South Korea.

Bukod sa Pilipinas, magsasagawa rin ang TWICE ng concert sa Bangkok, Singapore, Los Angeles, Mexico City, Newark, Chicago at Kuala Lumpur.

Samantala, ilalabas naman sa April 12 ang bagong album ng grupo na pinamagatang “Fancy You.”

Ang grupong TWICE ay binubuo nina Jihyo, Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Mina, Dahyun, Chaeyoung at Tzuyu.